New Way To Find Subscribers

Kung napapansin nyo, hindi na pumapasok ng mga Live Streaming si USAPANG PERA TV para ipangisda si USAPANG LAAGAN (MRS. USAPANG PERA TV) dahil napapansin ko na halos nalalagas lang din ang bagong dumikit sa kanya. Nakikita ko ang bakas na mayrong dumikit pero walang dumagdag. Yong iba mayron akong email pero same number pa rin ang subscribers ni UL (USAPANG LAAGAN). Nakaka walang ganang mangisda sa mga LS kaya huminto ako at nag-isip kung ano ang mga dapat gawin.

Nakaisip ako ng bagong paraan kahapon kaya inumpisahan ko na agad. Kung mapapansin nyo unti-unti ng nadagdagan ang bilang ng subscribers ni UL. Halos isang buwan din na nanatili ito sa 640 (dagdag tapos mababawasan din). Hindi ko sinabi na effective pa ito dahil kakaumpisa ko pa lang kahapon pero nakita ko na, mayrong nadagdag. Kaya ito muna ang gagawin ko this week para malalaman kung effective.

Ang problema lang dito kung hindi magbabalik sa iyo ang mga inisda mo. Pero para sa akin, kahit 50% lang ang bumalik kay USAPANG LAAGAN - magiging monetize din ito this month. Kung tuloy-tuloy ang pagtaas ng kanyang subscriber, siguradong ga-graduate na ito ngayon buwan ng Disyembre. Ano ba ang ginagawa kong bago para makaisda at madagdagan ang subscribers ni USAPANG LAAGAN?



Ang ginawa ko, habang nanunukli ako kay UPTV at kay SMOSO FAMILY HUB inisda ko rin yong mga nag-comment sa mga video ng mga sinuklian ko. Nagbukas ako ng tatlong browser at yong mga nakita ko na hindi pa kadikitan ni USAPANG LAAGAN, iniipon ko sila sa isang browser at isa-isa ko silang iniisda. Sa ganitong paraan, I'm hitting two birds in one stone. Sa mga nadikitan ko na halos 30, marami na sa kanila ang bumabalik. Alam ko yong iba hindi pa alam na nadikitan sila ni UL. Pero gaya ng sinabi ko kahit 50% lang ang babalik sa nadidikitan ko, sigurado akong ga-graduate si UL sa Disyembre.

Napansin ko rin na panay akyat ang number, hindi sya gaya dati na akyat-baba ang number count ng aking subscriber ni UL. Sana tuloy-tuloy na ito para maagang magtapos si UL sa banana. Pwede nyo ring subukan lalo na sa mga nangingisda. Basta ako ang tatanungin ayaw ko ng mangisda sa Live Stream.

Sa pagdikit kailangan one at a time. Huwag ding bilisan ang pagdagit para iwas lagas. Ang ginawa ko, hanap talaga ako ng mahabang video at pinapanood ko atleast 5 minutes. Dikit tapos BELL ALL. Kaso medyo mautak din itong system ni YT, pag refresh mo nawala ang bell all kaya, ang ginawa ko after dikit, bell all at comment -ni refresh ko para makita na nanatili pa ring naka BELL ALL. Kung nawala ang bell all, inulit kung i-BELL ALL.

Huwag umasang 100% na babalik pero kahit hindi man sila babalik lahat kung hindi ka naman mababawasan ayos lang. Kay sa magbabalik lahat tapos kinabukasan nawawala na ang mga dumikit sayo. 

Disclaimer: Under observation ko pa ang mga ito, hindi pa 100% effective pero subukan nyo rin. Sana lang hindi matulad sa panliligaw na maraming paasa. Sana balikan tayo ng dinikitan natin para lahat happy.

Post a comment

16 Comments

  1. Ayaw ko na mngisda puro bilasa hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala na akong pakialam sa mga naisda ko basta atleast 50% magbabalik para makuha lang namin ang 1k...pagkatapos non stop na..mag isip nalang ng magandang content para dumami ang subs.

      Delete
  2. Wow na wow. Salamat bossing..sulayan daw nako ni be.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Testing daw...sukad gahapon wala pako nalagasan..

      Delete
  3. Thanks sir sulayan nako na.. Ang gibuhat nako karon ky escreenshot nko nasa LS pero pgka gabie nko mg manual search pero tagsa rko mangisda. Anam2x sad nko visit mga members sa uptv nga gc.

    ReplyDelete
  4. Mula nang nag grad ako ng 1k di na talaga ako nangisda kung Sino lang yung dumikit yun ang binabalikan ko sa awa man ni lolo di man nababa ang banana ko

    ReplyDelete
  5. Hehehe may paasa talaga sir dinikitan na at kinalembang mo na walang balik ako dagdag bawas padin. 1,600 ako ngaun kinabukasan balik 1,590 kaya hayaan ko nalang bahala sila kung dikitan ako or hindi

    ReplyDelete
  6. Salamat sa blog na ito. More power po.

    ReplyDelete