Dapat Bang Magaling Ka Para Maging Blogger?

 Marami ang nag-succeed sa pagba-blog na hindi magaling. Gaya ng sinabi ng karamihan, lahat ay pwedeng mapag-aralan. At mas lalong hindi kailangang magaling ka sa English para magiging successful ka. Marami naman magagaling mag English at magaling gumawa ng blog ang hindi rin nag-succeed sa larangang ito.

Dati ang mahilig lang gumamit ng Google search ay yong tinatawag na mga Elite at may kaya. Sila lang din kasi ang CAN AFFORD to buy ng laptop at computer. Sila lang din ang mahilig gumamit ng internet dahil sobrang mahal ito para sa karaniwang mamayan. Kaya ang mga bloggers dati ay target nila ang mga educated at mayayamang mga tao. Paano mo ba sila ma reach? 

Karamihan sa kanila, English speaking at halos lahat din ng kanilang binabasa ay English din. Kaya ako noong 2007 nagpraktis ding sumulat ng English kahit nahihirapan ako. Hindi pa naman mahigpit ang Google Adsense noon kaya siguro ako pumasa. Dahil magdadalawang taon na akong rumaraket online kaya marami na akong nagiging kaibigan. Friendster pa ang gamit noon to connect with online friends. 

Nag-exist na ang Facebook pero hindi pa ito kilala. January 2008 nag-register ako sa Facebook at doon nag-umpisa na nakakuha ako nga mga viewers sa aking unang blog. Sa taong ding yon, nag-apply ako ng adsense at pumasa naman ako agad. Nakuha ko rin agad ang aking PIN kahit hindi naman malakas ang traffic ng aking blog. Hindi ko na rin matandaan kung yong requirements noon ay same pa rin sa requirements ngayon pero palagay ko hindi pa talaga mahigpit noon basta may views ka everyday mula sa iyong regular viewers, approved kana agad.

Anyway, let's go back to the topic. Iba na ngayon ang source ng traffic sa maraming blog kaya hindi na rin puro English ang mga blog ngayon unlike before. Marami ka ng mga blog na written in local dialect. Kung dati puro English ang mga blog at website dito sa Pilipinas, ngayon mayron ng Tagalog at Cebuano.

Mula nong nauso ang cellphone at data, kahit mga ordinaryong mamayan at nakakabasa na ng mga blogs. Alam naman natin na majority sa mga Filipino ay below average o mga masa. Kaya kung makukuha mo ang gusto nila, siguradong magba-viral ang gawa mo. Kapag kumalat na yan sa social media, hindi mo na mapipigilan ang pag-share nila sa gawa mo.

Hindi masilan ang masa maliban nalang sa mga medyo feeling smart. Gusto ng masa ang mga salitang madali lang maintindihan. Kaya hindi mo na kailangan pahirapan pa silang intindihin ang malalim na English. Hangga't maaari gumamit ka ng basic words para madali itong maintindihan.

Ito ang dahilan na hindi na kailangang magaling ka para makagawa ng blog. Basic knowledge ay sapat na para mag-umpisa ka para sa isang passive income source mo in the future. Don't worry, lahat ay pwedeng mapag-aralan. Bukod sa pagiging vlogger, baka pwede mo ring pasukin ang pagiging blogger. Hitting two birds in one stone.

Again, lagi nating tandaan - hindi lahat na nag-succeed sa buhay ay magagaling at matalino. Marami ang magagaling at matalino, umuutang pa rin para makaraos. Nasa diskarte lang yan mga kabayan.

Much love and God bless us all. Keep safe everyone!


Post a comment

15 Comments

  1. Tama sir diskarteng mafino ika nga, kung si rizal noon ay gamit papel at panulat now ang kabataan gamit ay gadget kaya mas madali na lang mag blog!

    ReplyDelete
    Replies
    1. mag blog kana rin bro para dalawa ang source mo sa iyong adsense

      Delete
  2. I agree lahat talaga ng bagay pwede talagang pag aralan. Sipag at tiyaga lang ang kailangan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sakto mam...tiyaga lang at laban para sa ekonomiya

      Delete
  3. Agree, bossing. The willingness to learn isda 🔑. Hahaha, and Friendster Judy Ann! It vanished like a bubble.

    ReplyDelete
  4. Salamat kuya may pag asa pa pala ako mag succeed kay walang alam sa English 😂

    ReplyDelete
  5. Salamat sir sa patuloy na pgbibigay ng inspirasyon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman po... salamat din sa walang sawang suporta

      Delete
  6. maliwanag sa lahat na mas maganda na mas maunawaan mo agad ang binabasa kaysa mag isip kapa ok basa

    ReplyDelete