THE ADVANTAGE OF CONTENT UPLOADS

 1. Less Pressure and Less Stress

Kung mayron kang organic friends and family, regardless kung anong upload mo - no worries dahil panonoorin pa rin nila ito para lang makasuporta sayo. Vice versa ang effect nito para sa lahat. Ang upload ay pwede mong panoorin anytime depende sa availability mo. Madali lang gumawa ng content kahit hindi ka marunong mag edit. Kailangan lang 8 minutes pataas pero huwag mo masyadong pahabaan dahil hindi rin ito tatangkilikin ng mga hindi Youtubers. Target market natin ay hindi lang organic friends kundi pati rin ang mga hindi Youtubers.

2. Viral and Trending Videos

Hindi natin alam kung saan sa mga uploads natin ang magiging viral or trending sa susunod na mga araw o buwan. Marami ang nagiging viral ang hindi kagandahan ang kuha kaya upload lang ng upload. Make it sure na hindi nakakaumay ang iyong video content para tangkilikin din ito ng mga hindi Youtuber dahil sila ang pinakamaraming population na pumupunta sa Youtube araw-araw. Kapag mayron kang isa or mahigit pang video na humahatak ng viewers, siguradong kikita ka.

3. Content Expiration

Walang piniling araw o buwan para kumita ang iyong mga content. Marami dong upload ang nag-viral pagkatapos na ng ilang buwan mula ito na upload. Maaaring yong content na iyon ay hindi pa nagiging uso nong time na inaplod mo ito. Ang content video ay patuloy na kumikita lalo na kung binago-bago mo ang title at thumbnails nito. Kung mayrong uso o naging trending na sitwasyon na halos kahalintulad sa content mo, kapag nag search sila online posibleng lalabas din ang video mo. Malaki ang kinikita kapag ang video mo ay lumabas mula sa search engine ni Youtube at ni Google kay sa kusa mo itong i-share sa isang tao.

4. Passive Income

Maaaring patuloy ang kita sa iyong content video hanggang mayron pang internet sa mundo. Kaya kung mayron kang maraming content sa iyong channel, tuloy ang kita nito kahit hanggang sa susunod na henerasyon. Kaya huwag humintong gumawa ng content at mas lalong huwag humintong mga upload ng mga bagong content.


Post a comment

8 Comments