NEW HOME FOR SMOSO AND ORGANIC FAMILY

Dahil marami ang nalilito lalo na ang aking mga old viewers, I mean yong mga viewers ko dati pa na wala pa ang COVID-19. Dahil sa kalituhan, kung saan-saan nalang sila nagko-comment ng kanilang mga tanong related sa aking content at niche. Mahigit isang buwan na rin akong hindi nangingisda pero patuloy pa rin ang pagdami ng aking mga subscribers at paglaki ng aking bahay. 

Napansin ko na halos lahat ay hindi mga Youtubers, marami sa kanila ay mula sa aking mga old uploads nanggagaling. Wala namang nagbakas na mga small Youtubers kung sakali gusto nila na balikan ko sila.

Kaya minabuti kung ihinto nalang ang pag-LS sa USAPANG PERA TV at ilipat ito sa ibang channel. Hindi rin pwede sa MRS. USAPANG PERA TV dahil mayron na po kaming plano dito na magiging pure content lang din ang upload nito, at ito ay mga family outing at iba pa. Hindi rin pwede sa Congregation Vlogs dahil mayron din itong mga regular viewers na karamihan ay mula sa US at iba pang bansa. Mas lalo ng hindi rin pwede sa GSMUNITED dahil puro tutorial ang nilalaman nito.

Simula November 2020, bawat LS ko ay gaganapin na sa SMOSO FAMILY HUB. Maaari nyo itong masilip at madikitan sa link na ito: http://bit.ly/SMOSOFAMILYHUB Sa ngayon ay searchable na ang channel na ito kaya kung mayron kayong imbitahan, huwag nyo ng pamuntahin sa UPTV dahil wala na tayong LS doon. 

Si UPTV ay mag-focus na sa kanyang regular uploads or channel related niche. Hindi kasi makaka-relate ang aking mga viewers sa LS at mga RED CARPET. Hindi naman kasi sila Youtuber kaya wala silang pakialam. Mas malaki kasi ang contribution ng aking mga niche related viewers kay sa ORGANIC FAMILY. Para hindi sila tuluyang mawala at patuloy na lumubo ang views at revenue ko, mas mabuting ihiwalay ko ang SMOSO sa isang channel na exclusive para sa SMOSO Family.

Ang SMOSO FAMILY HUB ay dito gaganapin ang mga incoming LS ni UPTV at lahat ng mga uploads dito ay related sa SMOSO FAMILY. Abangan nyo ang mga uploads nito tungkol sa YOUTUBE JOURNEY ng bawat SMOSO members. SMOSO FAMILY HUB is dedicated to all ORGANIC AND SMOSO FAMILY.

Lahat ng mga events na gaganapin natin ay dito na natin matutunghayan at lahat ng COLLABORATION with UPTV and SMOSO members ay dito nyo na rin mapapanood. Pati ang RED CARPET ay dito nyo na rin mapapanood. Please spread the words to others lalo na ang mga hindi pa nakapasok sa ating bagong tambayan.

Pati ang mga videos sa gaganapin nating online class at monthly assembly ay dito na rin natin masusulyapan. Marami pa tayong gaganapin dito mga SMOSO and ORGANIC FAMILY. Sana ay hindi kayo malito at hindi kayo magtampo bakit lumipat tayo.

Pagdating sa BADGE at EMOJIS, sa ngayon pansamantala muna nating hindi magagamit habang dito tayo magla-live pero hindi naman importante yon. Ang importante ay mahalaga. Hehehe Just kidding. Nandoon pa rin naman ang badge nyo, kapag masyado na nating mami-miss, pwede tayong mag LS once a month sa UPTV.

Abangan ang susunod pa namin updates tungkol sa bagong tahanan ng SMOSO FAMILY. 

Post a comment

9 Comments

  1. Myla Marie Silva24 October 2020 at 17:20

    Ok po noted

    ReplyDelete
  2. Hahaha. I was lost too, bossing! I think this is a good idea to post your announcements(during LS) here then it’d be easier for us to navigate us all the way through.

    ReplyDelete
  3. excited much sa online class ano kaya lesson everyday hahahah

    ReplyDelete
  4. Ganahan ko ani daghang changes na..looking forward bossing

    ReplyDelete
  5. Change is coming.... Abangan....

    ReplyDelete
  6. Thanks sa update.. naliligaw pa rin hehehe

    ReplyDelete