WELCOME NEW #UPTV ORGANIC FAMILY MEMBERS

A warm welcome to all new members of UPTV Organic Family. We are happy na pumasok ka sa SMOSO family. Ang pamilyang nagtutulongan sa kahit anong paraan, hindi lang sa YT pati na rin sa kahirapan. We are not mainly a group but we called it a family. Enjoy the ride while I tell you the benefits of being one of the organic family.

Frankly speaking, there's no assurance na 100% susuporta sa iyo ang organic family kapag hindi ka magiging organic sa iyong sarili. Siguro sa saging pwede pa nating ma-consider yan. Hindi man agad makapanukli ang iba dahil na rin sa trabaho at nagiging busy pero masusuklian ka rin nila kung magiging active ka lalo na sa pagsuporta din sa kanila. 

Halimbawa kung palagay nyo hindi kayo nasuklian, pwede nyo silang dalawin sa kanilang mga Live para sila ay singilin. Please observe politeness para hindi magkaka-misunderstanding. Sa pakikipagdikitan normal talaga yang hindi masuklian kaagad dahil sa iba't-ibang rason. Ang lahat ng problema ay maaayos kung ito ay idaan sa mabuting usapan.

Ang organic family ay binubuo ng mga Youtubers mula sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Ang organic family ay hindi lahat nagbabayad para magiging kasapi, although marami ang gustong magabayad kaso wala sila debit at credit card. Ang pagiging organic ay hindi masusukat sa kung anong level ng membership ang binayaran mo kay UPTV.


Ang pagiging organic ay masusukat sa uri ng iyong suporta kay UPTV at sa kapwa organic family members. Hindi kailangan magbayad ka para maging organic family dahil pwede ka naman sumali kahit hindi ka member basta marunong kang sumuporta sa kapwa mo organic.

Ang kaibahan lang sa pagiging members mula Level 1 up to Level 5, priority kayong ipo-promote sa LS ni UPTV at kapag members kayo mas priority din kayong didikitan sa mga members ni UPTV. Makakaasa kayong makakapangisda kayo ng mga organic na hindi nyo na kailangan gumugol pa ng mahabang panahon para turuan sila paano maging organic dahil palagi po silang mini-mentor ni UPTV halos araw-araw.



Ang pagiging organic ay hindi mag-uumpisa sa iba kundi ito ay mag-uumpisa mismo sa iyong sarili. Kapag nagiging organic ka sa iyong sarili, hindi kana mahihirapan makisama sa ORGANIC FAMILY. At mas lalong mapadali ang iyong JOURNEY dito sa YT. Hindi nakikialam si UPTV sa organic family kung sino ang susuportahan dahil nasa kanila po kung sino ang sumuporta sa kanila, yon ang priority din nila. Kung organic ka, magiging organic din sila sayo.

Isang tip namin para sa mga bagong member, dahil kumuha ka ng level sa UPTV organic membership -ikaw ngayon ay makakapasok sa UPTV Organic Family (GC) sa messenger. Marami ang tao doon, pero kahit marami sila hindi rin sila susuporta sayo kung hindi ka susuporta sa kanila. Isa-isa mo silang kikilalanin at isa-isa mo rin susuportahan. Kapag nakarami ka, siguradong marami din ang susuporta sa iyo.

Ang pagiging organic ay hindi mo masusukat sa Live Stream lang, ang pagiging organic ay masusukat mo sa lahat ng iyong YT activities. Mayron tayong kanya-kanyang responsibilida sa pamilya, sa trabaho at sa kumunidad kaya imposible talaga na lahat sila ay makakapunta sa LS mo pero kapag organic ang nadidikitan mo, hahanap sila ng paraan para makakasuporta ta iyo bilang isang member ng organic family.


Marami ang nagpapa member kay UPTV umaasang masuportahan ng buong pwersa ng organic family. Bagkos hindi po ganun ang mangyayari. Pagdating sa saging, pwede kaming magtulongan na dikitan ka pero pagdating sa suporta, nagdidipende na yan sa iyo. Kapag naging organic ka sa kanila, hindi mo kailangan imbitahin pa sila at pilitin na pumunta sa LS or premier mo dahil pupunta talaga yan sila basta nakita ang notification na ikaw ay mayrong LS at premier. Pero kapag hindi ka organic sa kanila, kahit anong promote mo pa at pilit na pumunta sila, kahit tadtarin paman sila ng notification -hindi talaga yan sila pupunta.

Kilala ang organic family pagdating sa suporta at siguro yon ang dahilan kung bakit na-curious kang pumasok sa Organic Family. Magsuportahan tayo at sama-sama nating tahakin ang ating YT journey para lahat tayo ay makakarating sa finishing line.

Salamat at naging member ka sa UPTV organic family. Anong LEVEL kaman ngayon, welcome ka sa UPTV organic family. Maging organic ka lang at siguradong magiging organic din sila sayo.

Post a comment

4 Comments

  1. Very well said! This article is an eye opener for everyone who is part of SMOSO family on how to be a legit organic. Great job kuya UPTV! Kuddos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sa pagbabasa...bilang organic kailangan natin how it works.

      Delete
  2. Ang pagiging organic ay hindi ibig sabihin na OBLIGASYON NA. Ang pagiging ORGANIC ay dapat mo respetuhing ang kakayanan ng bawat sa isat isa. Unawaan at intihin ang setwasyon and be ORGANIC TO YOURSELF. I grow, you grow and we grow together. Ika nga SAME FEATHER FLOCK TOGETHER. Walang maiiwan... Mabuhay all SMOSO FAMILY. Good luck all to our journey!!!
    #GOFROKZLAAG

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sakto bro...Thanks for the additional input. More blessings

      Delete