BE SUPPORTIVE AND BE ORGANIC

 Ang UPTV Organic Family ay hindi namimili kung sino ang pwedeng pumasok sa aming pamilya. Lahat ay welcome basta marunong ka ring sumuporta. Napapabilang tayo sa mga small Youtuber kaya obviously, kailangan din namin ng suporta. Susuporta ka kay UPTV at susuporta din si UPTV sa iyo. Pero dahil napabilang ka na sa lumalaking pamilya namin, kailangan mo rin sumuporta sa iba pang mga kasamahan para marami ka ring taga suporta. Hindi naman pwede na mag-isa lang si UPTV na susuporta sayo dahil siya lang ang sinusuportahan mo.

Always remember, the more organic friends you have - the more views you will get and syempre the more revenue you will earn. Padamihan ito ng viewers at supporters para makakuha ng magandang revenue. Kung wala kang viewers, wala kang views at wala ka ring revenue. Ang UPTV Organic Family ay umaasa lang din sa suporta ng bawat isa. Dahil hindi naman tayo sikat at karamihan hindi magaling gumawa ng videos, kaya kailangan natin ang bawat isa.


Not necessary na mag member kayo para makapasok. Kung wala kang kakayahan mag member, you are still welcome to join us pero dapat marunong ka rin sumuporta para makakuha ka ng suporta mula sa kapwa organic member. All organic members will enjoy the same benefits kaso nga lang, mas mauuna yong mga nagmember compared sa hindi member. Recently, marami pong hindi members sa UPTV channel pero patuloy parin ang suportahan.

ANO BA TALAGA ANG DAPAT GAWIN SA ISANG MEMBER?

Para manatili sa UPTV Organic Family, kailangan mong sumuporta syempre si UPTV. Kung hindi mo kaya araw-araw nandon sa LS nya, atleast kahit man lang dalawang beses sa isang linggo nandon ka. Pero kung hindi mo pa rin kaya pwede kapa rin gumawa ng paraan para makaka-suporta at alam mo na siguro kung ano dapat mong gawin para tuloy pa rin pagiging suporta mo sa kanya.

Kung wala ka sa kanyang LS dahil busy ka, pwede mo naman panoorin uli yong LS nya para makabawi or baka mayrong mahalagang impormasyon na magagamit mo sa iyong YT journey. Tulad ng sinabi ko palagi, ang sukatan sa pagiging organic ay hindi masusukat sa palagi nating pagpunta sa LS ng isang organic family. Dahil karamihan sa atin ngayon ay bumabalik na sa trabaho, maaaring limitado an ang ating oras para sumuporta sa mga LS. Kaya naiintindihan ng mga organic family na hanggang sa REPAY IS THE KEY nalang talaga ang kaya mong gawin.

Pero kung wala ka sa LS at wala ka din sa mga nagreplay, hindi kana matatawag na kabilang pa sa organic family. Again, HINDI KAILANGAN magpa-member para mapabilang sa organic family. Ang kailangan namin ay SUPORTA mula sayo kung gusto mo ring suportahan namin. 

Kung sakaling ikaw ay UPTV member, regardless kung anong LEVEL ka. You have the choice kung pupunta ka or hindi. Nasa iyo ang desisyon pero kung hindi ka member, kailangan mong magpakita sa LS atleast 3 times a week or you can do REPLAY sa mga LS, premiers or any activities ni UPTV kung wala talagang free time UPTV Organic Family Live Stream.

KLAROHIN KO LANG, para manatili sa UPTV Organic Family kailangan mong gumawa ng para para maipakita na ikaw ay isa pa ring ORGANIC FAMILY ni UPTV. Hindi kailangan maging member para maging bahagi ng Organic Family. SUPORTA ang kailangan natin dito. Magiging fair lang po tayo sa bawat isa.

Sa mga HINDI MEMBER at hindi rin makakasuporta kahit sa pag REPLY man lang at gustong manatili sa UPTV ORGANIC FAMILY group chat sa messenger, pakisuyong kausapin si UPTV baka mahanapan pa ng paraan. 

Ang hakbang na ito ay para magiging fair para sa lahat na halos araw-araw nasa LS ni UPTV na halos pareho sa sitwasyon sa iba na hindi na nagpunta kay UPTV. At sa mga ayaw namang maging bahagi ng UPTV Organic Family, FREE po tayong humanap ng GROUP kung saan kayo comfortable. 


Tulad sa sinasabi ni UPTV, hindi ito mangingialam kung sino ang susuportahan ninyo. At mas lalong hindi rin mangingialam si UPTV kung aalis na kayo sa Organic Family. Hindi ko ugali na sisiraan kayo pero pakiusap siguraduhin nyo muna, kung maninira kayo -be sure na ito'y totoo baka ito'y babalik sayo.

FOCUS on how to improve your channel. Huwag mag focus sa paninira ng iba na hindi naman totoo dahil ang ending ikaw din ang mawawalan ng viewers at mawawalan ng revenue.

UPTV Founders are now innovating PERKS and BENEFITS para sa kapakanan ng buong UPTV Organic Family. Abangan ang mga pagbabago na gagawin natin sa hinaharap.

UPTV Organic Family ay hindi naka-focus sa isdaan at revenue lang. Kundi we are also engage in creating a good relationship to fellow organics. Pero kahit anong gagawin naming pagbabago at innovation kung ang problema natin ay ang ating UGALI, wala talagang mangyayari. Kahit ano pa mang paglalakbay ang gagawin natin, kung hindi natin kayang baguhin ang mga sarili natin -hindi tayo magtatagumpay. 

BE FLEXIBLE, BE SUPPORTIVE AND BE ORGANIC.

Note:

We encourage all to please read our messenger Group Chat (GC) Guidelines:

https://www.raketirongpinoy.com/2020/09/uptv-organic-family-gc-guideliness.html

Post a comment

6 Comments

  1. Be Organic and become part of our growing family! Then you will see the difference. #SMOSO #OneLove

    ReplyDelete
  2. Indeed..each and everyone is an organic if they support each other.

    ReplyDelete
  3. if you are organic , you can also gain more friends that will also support you.

    ReplyDelete