VIDOE TUTORIAL - HOW TO CREATE SPREADSHEET

Dahil nag-level up na tayo at dumadami na din ang membro, naghahanap kami ng mga paraan upang mapagaan ang trabaho namin, in connection with our monthly reports. Kung napapansin nyo medyo magulo yong mga unang way o method natin sa pagpapadala ng reports. Kung hindi man sa inyo, pero sa aming mga kumuha nito, ramdam namin ang pagod dahil dumadami na tayo. Effective lang yong kung nasa 30-40 leads pero kung aabot na tayo ng 1,000 leads, wala na kaming ibang gagawin kung asikasuhin ang report nyo, which hindi pwede dahil our task are not limited only to gather and make our monthly reports. Marami pa kaming asikasuhin bukod sa nabanggit kaya naghahanap talaga kami ng paraan para ito ay mas mapadali at hindi masakit sa ulo.

Mag-upgrade lang tayo ng kunti pagdating sa ating monthly reports. Mahihirapan kayo sa umpisa, we know that pero malaking kaginhawaan ito para sa amin sa ngayon at sa inyo din sa hinaharap lalo na kung dadami na din ang mga personal leads inyo. Malaya natin sa kita nyo dito makakabili pa kayo ng another PC or Laptop kaya hindi lang isa o dalawa, baka aabot pa ng isang daan. Importante gagawin natin ang lahat na ikagagaan ng trabaho sa bawat isa. Our unity will become our strong foundation para makagawa tayo na magandang samahan na hindi temporaryo lang kundi pang matagalan.

Inaanyayahan namin ang lahat na gagawin ang SPREADSHEET na minumungkahi ng ating leader para ito'y maging basihan para sa mga sasahurin natin bawat buwan. Para matulungan kayo kung papaano gagawin ang SPREADSHEET, minabuti naming ipakita sa inyo ang aming ginawang video tutorial para kayo ay matulungan kung papaano ba gagawin ito. Sundin lamang ang mga instruction para magawa nyo ito ng tama. Ito po ang link ng ating video na mapapanood sa ating Youtube Channel: 

Post a comment

0 Comments