Paano Magpost ng Payment Proof sa Raketirong Pinoy Forum?

Handa na ang Raketirong Pinoy Forum para tumanggap ng inyon MONTHLY payment proof mula sa FB Rental. Dahil bago ang ating tambayan, marami sa atin ang naninibago dito at hindi alam kung ano ang gagawin lalo na sa pagpost ng mga payment proof natin. Kaya para mapadali, inaanyayahan namin kayong sundin ang basic steps kung paano gagawin ang pagpost sa ating forum.

Unang-una, log-in to our forum gamit ang sarili nyong account. Pwede rin main account nyo o yong sa ibang leads nyo. Importante makapag register kayo at ma-activate ang account nyo para makapagpost sa forum natin. Madali lang naman gawin, pero dahil baguhan ang iba -sure kaming mahihirapan sila sa pagpost. Please access our forum sa link na ito: https://raketirongpinoy.group/

Tapos nyong makapag-log-in, scroll down hanggang makita nyo ang ONLINE RAKET FOR PINOY section. Pumasok kayo sa FB RENTAL. 


Sa loob ng FB RENTAL, makikita nyo sa loob ang mga sub-forums or sub-catergories. Click PROOF OF PAYMENTS.


Kapag nasa loob na kayo ng PROOF OF PAYMENTS, hanapin nyo ang NEW THREAD sa kanang bahagi ng page sa may bandang ibaba. Click nyo po ang button na ito para makagawa kayo ng post o thread para sa iyong proof of payment.


Sa NEW THREAD section, maglagay kayo ng SUBJECT o TITLE ng inyong post. Halimbawa, BROSRADGE PH-1992 PROOF OF PAYMENTS. Bakit payments? Plural form dahil marami sa atin may hindi mabibilang na leads at hindi rin mabibilang ang payment proof. Ang gagawin nyo, i-save nyo na sa inyong laptop or computer ang lahat ng inyong proof of payment mas madali nalang gagawin ang pagpost.

Kung na save na ang inyong mga proof of payment, mag register kayo sa site na ito: https://imgbb.com. Napaka-simple lang gumawa ng account sa site na yan. Kung nagawa nyo na, UPLOAD your photos pero siguraduhing na EDIT nyo na ang screenshot nyo na wala na yong mga confidential info sa screenshot. Kapag uploaded na, kunin nyo ang code, pinakita sa larawan sa ibaba. Ilagay ang code sa notepad para madali nalang itong ma-edit. Make sure na ang code na nakuha nyo ay BBCode Thumbnail Linked dahil maraming link ang pagpipilian pero yong pinakita sa ibaba ang para magawa ito ng tama.


Gumawa din kayo ng sarili nyong account sa site na ito para kahit papaano may maiipon kayong dollars bawat click ng mga taong gustong tingnan ang payment proof nyo. Register through this link: https://join-adf.ly/2462724. Kapag nagawa na ang account nyo, kunin nyo na ang part ng code na nasa notepad nyo. Check the illustration below:



Ang code na nakuha nyo galing sa inyong notepad kanina, i-paste nyo yon sa inyong Adf.ly account para kumita naman kayo kahit maliit lang pero kung maiipon ito, dumating din sa point na makakabili din kayo ng burger. Hehehe Maliit lang din naman ang minimum payout ni Adf.ly, kapag na reached mo ang $5 pwede mo na itong makuha at sa susunod na payout automatic na itong papasok sa Paypal mo every period kung umabot ka sa cutoff within a specific month.

Ang nakuha mong LINK mula sa Adf.ly iyon ang ipalit mo sa LINK na naka-highlight kanina para bawat click ng mga tao na gustong tingnan ang proof of payment mo ay makakabuo ng dollars sa iyong Adf.ly account.

Ang LINK na makikita nyo sa itaas, pagkatapos nyong ma pindut ang COPY, go to your notepad at doon mo sa naka-highlight na link i-PASTE. See illustration below.

Kapag hawak mo na ang buong code, yong pinakita namin sa previous illustration -pagkakataon mo ng ilagay na ito sa Raketirong Pinoy Forum. Pagmasdan ang ipapakita namin sa ibaba kung papaano ito gagawin upang hindi kayo mahihirapan.

Kapag lumabas na ang larawan o sa post, pagmasdang mabuti at reviewhin ang mga detalye na nilagay nyo at siguraduhing nasa tamang ayos ito bago tumuloy sa final step ang pag pindut sa SUBMIT button para mai-post nyo ng tuloyan ang iyong proof of payment. See last illustration below.


Post a comment

0 Comments